Friday, March 11, 2011

PANANALIKSIK SA FILIPINO (PART 5)

Kabanata 5
Lagom, konklusyon at rekomendasyon
Lagom
Sang-ayon sa ating pag iisip at sa pagsusuring ito. Ang pagpasok sa paaralan ng regular ay mahalaga sa pananatili ng matibay na pundasyon ng pagkatuto. Kadalasang napaloob sa panahong pang-elementarya ang simula ng ating pagkalap na impormasyong pang sosyal at pang akademikong kasanayan na nagbubunga ng pagbuo ng ating pagkatao maliban na lamang kung tayo mismo ang nagiging hadlanng sa ating sariling kapakanan.
Dahil sa pananaliksik na ito, nakaranas kami ng ibat ibang karanasan, emosyon at saloobin. Natuklasan naming ipilit ang aming mga oras at isaayos ito upang magawa naming kapaki paki nabang ang pagsusuring ito. Dala ang napaka raming Gawain at dahil na rin sakop ang aming oras sa midterm, naging napakalaking suliranin ito sa aming oras at lakas ngunit, mabawi lahat ng ito sa iba’t ibang kadahilanan, nagkaroon kami ng pagkakataong mas makilala pa ang isa’t isa sa oras na kami ay magkikita kita para sa tisis na ito. Ikalawa, napawi rin ang aming pagod ng maranasan naming magsalita at magsarbey sa harap ng mga batang estudyant.noo’y ang kinakaharap naming propesyon kung kami ay magpapatuloysa kursong aming kinuha at higit sa lahat nakahonga kami ng maluwang nang matapos namin sa oras ang “thesis” na ito. Tila kami ay nabubunutan ng tinik. At dahil sa mga yaon ay lalong mas nakilala naming ang aming sarili, an gaming kasnayan, an gaming paniniwala, at an gaming kakayahan
Ang pagaaral na ito ay nagbigay ng mahalagang kaisipan higgil sa lumalalang sitwasyon at sa mga maaring solusyon nito. Hindi man ganun karami ang aming nasaliksik ngunit tuluyan nga itong nakapagbigay ng malawak na impormasyon higgil sam nasabing usapin.
Konklusyon
Sa gitna ng pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon at pagbabago ng pamamaraan sa pag aaral ay dapat na patuloy na itatak sa isipan ng bawat isa ay tayo mismo bilang mismo bilang magaaral ang may pinakamalaking parte sa pagtulong sa ating mga sarili upang mapunan an gating nais na matuto. Kaya naman na tunay ngang nakagugulat ng libulibo nang magaaral lalo na sa elementarya ang nasa kalagitnaan na lamang sa pagtamang patuloy na pagkatutodahil sa malimit na pagliban.
Dahil sa pagsusuring ito, natuklasan naming ang mga sumusunod;
a.kung susumahin, marami pa ring ang malimit lumiban sa mga klase sa paaralan ng KAES
b. karamdaman ang kadalasang nagiging dahilan ng pagliban sa klase. Ngunit marami pa rin iba pang dahilan tulad na lamang sa problema sa pampinansyal, problema sa pamilya, bullying, pagkatakot sa guro at pagtakas sa mga oblogasyon sa paaralan.
c. dahil sa karamdaman ang kadalasang dahilan ng pagliban, dahilan na rin ng pagbago-bago at abnormal na kundisyon ng panahon. Gayundin ang marurumi at di maayos na lugar.
d. hindi nakakatulong ang malimit na pagliban sa pagunlad ng kaisipan ng mag-aaral.
e. hindi rin ito nakakatulong sa pagtuturo ng mga guro apti na rin sa kabuuan ng klase.
f. marami ang mga epekto kung kasanayan na ang pagliban, tulad na langf ng kawalan ng pagkakataong matuto at pagiging matamlay ng klase.
Rekomendasyon
Kaugnay sa mga naging konlusyon ng pag-aaral na ito, buong pagkumbabang nirerekomenda ng mga mananliksik ang mga sumusunod. Hinati namin ang mga rekomendasyon para sa mga magulang, guro at mag-aaral.
Magulang:
-Patuloy na paggabay sa mga anak para sa mas epektibong pag-aaral.
-kailangan din ng buong pusong suporta sa mga anak at iparamdam sa kanila ito.
-mas mabuti rin kung panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran upang hindi magsakit.
-makatutulong rin ang pagpili at pagpatnubay sa mga kaibigan ng mga anak.
Guro:
-Gawing mas maayos at mas mabuti ang pagtuturo sa paraang makapagbibigay ng interes na mag-aral ang mga mag-aaral.
-Huwag masyadong maging mahigpit o malupit dahil ang pagkatakot sa guro ay dahilan din ng palgliban ng mga mag-aaral.
-Suportahan din ag mga mag-aaral di lamang sa pang- akademiko kundi pati na rin sa iba pang-aspeto tulad ng pansosyal, pangemosyonal at iba pa.
Magaaral:
-Tulungan ang sarli dahil ikaw rin ang makikinabang nito
-Isipin at pahalagahan ang suporta at gabay ng mga magulang at guro.








7 comments: